Wednesday, February 9, 2011

Lahat tayo...may darK side..


Mahirap nga talaga ang maging totoo sa sarili... madalas, ang tao sa sandaigdigan ay parating kailangang sumunod sa tinatawag na 'norms' ng sosyodad. Kadalasan, upang matanggap ang tao ng kanyang kapaligiran ay kailangan pa niyang tumalon sa isang napakalalim na balon ng pagkukunwari.

Naimbitahan kami ng aking asawa kamakailan sa preview ng "Black Swan" kung saan bida si Natalie Portman (Nina). Kahit na sabihing nasa 'mature' bracket' na ang pelikula. Mababaon sa kaisipan ng marami ang kahalagahan ng pagiging totoo sa sarili.

Naging pahirap sa katawan at isipan ni Nina ang kanyang pagsusumikap na maging perpekto, para sa kanyang ina at sa mundo ginagalawan (ang mundo ng ballet) .

Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang pagiging perpekto ng tao ang siyang basehan upang magtagumpay ka sa iyong napiling larangan. Ang paglaban ni Nina sa kanyang sariling karuwagan, ang siyang naging dahilan upang maabot niya ang hinahangad, ang magtagumpay sa pagganap ng Black Swan.

Nilabanan niya ang kanyang sariling kahinaan upang mabuo ang isang katauhan na taliwas sa kanyang pagkatao. Nagturo ako ng sayaw ilang taon na ang nakararaan, mahirap ang pressure na naiaatang sa isang lead dancer. Lalo pa ang kanilang pagsisikap na makuha pabor ng nakatataas sa kanila.

Aminin man natin o hindi...lahat tayo ay may dark side... isang black swan.. pero sino ba ang dapat manaig? Ang lumalabas na white swan na mahina, duwag, ngunit may kabutihang taglay? O ang black swan na tuso, malakas at may kadilimang ng budhi?

Tayo lamang ang makakapamili kung alin tayo sa dalawa. Walang makakapigil sa ating pag-unlad kundi ang ating sarili.


Thursday, January 20, 2011

SA INIT NG ULO...HINAY HINAY LANG



Nagiging madalas ang init ng ulo ko nitong nakaraang mga araw, signs of aging na nga kaya ito? Sabi nga ng marami kalabaw lang daw ang tumatanda. Nakakapag taka nga na simpleng bagay ay pwede palang lumala sa pamamagitan ng init ng ulo...Ukay-ukay ka pa ng mga nakaraang napagkagalitan kaya naman lalo pang nadadagdagan ng gasolina ang lumalagablab na apoy...presto...giyera na..

Pero dahil nga sa may idad na nga ang inyong lingkod kung hindi ito papatulan ng aking maybahay ay humuhupa naman...at paglipas ng ilang minuto ay napagtatanto ko ang aking mga pagkakamali.. Ngunit sa aming mag-asawa...hindi namin pinapalipas ang araw na hindi kami nagkakasundo..isang bagay kung saan sa 17 years ng aming pagsasama bilang mag asawa hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin matibay ang aming samahan..

FORGIVENESS



I would like to share with you a column of a wonderful columnist from the Philippine Courier, Ms. Doreen Alba... Isang kaibigan na may malaking puso at pangarap... sana ay marami kayong mapulot sa kanyang mga salaysay..



FORGIVENESS
by: Doreen Alba

“When you’ve been wrong,” you feel rejected, cheated, betrayed, and deserted. The emotional feeling of depression penetrates the inner most being that crushed and destroyed you. Is it the darkest moment in your life?

 

Forgiving and forgetting is easier said than done. It seems impossible, for someone who felt desperately, “they’ve been wrong “.

The word of God reminds us, to forgive our enemies, forgive them 70 x 7. The question is who are our enemies? Everyone can be a candidate on this category, and one of them can be the destroyer.

Yes anyone can be a destroyer, in warning of the tactics of Satan, Jesus said; “the thief comes only to steal and kill and destroy “. Keep in mind that there are some people who get their sense of significance from destroying others. There are people whose entire sense of value, and self worth, and power are tied up in their desire to lord it over others and punish them for their misdeeds. It’s often seen in families - between in-laws and relatives. In every case relationship are destroyed and lasting wounds inflicted.

 

Beware, because destroyers can be charmers, who appears devoted to their families and to God. Some men abused their families are so well thought that their women wish they were married to them - after all, they are so kind and helpful. Yet at home they monsters - demanding irrational and angry. And they are convinced that they are right and all who disagree with them are wrong.

Meet Cain the destroyer, the first offspring of this world is Cain. Adam and Eve were the first parents who raised him, but they are not the last. Cain represents those individuals we call DESTROYER the kind of people who can leave you bleeding along the road and walk away feeling sorry for themselves.

Perhaps the most compelling modern Cain was Timothy James McVeigh - the young man who killed 168 people when he blew up the Alfred P. Murrah Federal Building in Oklahoma City on April 19, 1995. His motive, to defend the constitution, he said, and to inflict destructive injury on the American government. He walked away feeling no remorse none whatsoever. He went to execution feeling convince he had done nothing that warranted regret. He died as defiantly as he had lived. Timothy James McVeigh was the modern Cain - the DESTROYER.

In the world of showbiz entertainment, feuds, slandering, they are destroying each other’s image. It is just but a common scenario among actors, talent managers, directors and producers, against one another. To reach “fame and fortune” is every ones goal, ignoring the essence of friendship and VALUES OF FORGIVENESS. Colossians 3:8 .

Politician are none exception, bloody, violent competition is expected. Both candidates and aspirants are throwing and exchanging sour grapes, bitter, spicy, cursing words. Degrading and destroying their opponents are part of the game, they so called “politics”. And POWER can be an issue, aside from FAME and FORTUNE. But power fueled with GREED, ENVY and JEALOUSY can kill someone.

LISTEN! Try to avoid struggles for the “TOP DOG’s PET” - There is always another way to get things done. Ones are good at figuring out how to get things done.


UTILIZE YOUR TALENT

A Love Story of Korean woman and American man married for 6 yrs. suddenly threatened by a man’s impulsive decision for a divorce. He said, he wants his freedom, with a promise that the wife can have everything, excluding the 20 million dollar she owe him, that she invested to open her own business. Furiously the woman replied; you broke my heart; you pay my heart! Both harbor grudges and hatred and parted their ways.

Learn and pray for forgiveness and grace, to ask the heavenly father, bring to mind the people whom we have hurt - either intentionally or unintentionally. Ask the Lord to forgive us from our CALLOUSNESS and grant grace to make things right with hearts we have wounded. Make us sensitive and thoughtful, esteeming others better than ourselves.

Be quick to admit or mistake. It will pay off through forgiveness, and direction or new options.

 

LET THE CHAINS FALL OFF

I’m told that when a rattlesnake is cornered it will sometimes bite itself. This self-inflicted punishment is perhaps done in anger or as form of vengeance, but it hurts only the snake. Just so bitterness is a self-inflicted wound that hurts us but is of no concern to our enemy. I don’t know how to say it more strongly: We must let go of the bitterness and revenge that contaminates our souls. We are needlessly hurting ourselves.


Do you harbor resentment?

Then you are poisoning your own meal at life’s banquet table. Imagine your mind as a “little shop of horrors,” a kind of museum filled with relics of all the injustices and harm you’ve ever endured. Each exhibit depicts your memory of what someone did or does that hurt you. Brightly illuminated by your resentment, every exhibit has a sound track echoing with loud angry and accusing voices. The walls are covered with horrible instruments of punishment and long list of penalties to be inflicted on your WRONGDOERS. And coating everything is a think. Clinging residue of self-pity that keeps you from moving along the NEW FUTURES WING, of your future-where the exhibits are filled with pleasure and joy--and possibilities.

Can you imagine what it would be like to be locked permanently inside such a chamber of horror and hate resentment? If you are enable to forgive others for real or imagined wrongs then that horror chamber exist within YOU. That chamber of Ill Will is YOUR OWN MIND.

And what a prize you pay for maintaining such a museum of resentment! The negative reliving of your past strokes anger, resentment, and seething hostility. It also turns your mind against itself. It is like poison to your soul. The simple profound truth is that the entire horror shop crumbles if you simply FORGIVE. By forgiving others you forgive yourself and you gain self-esteem, and you free your own spirit to soar to new heights.

There is no time to waste. Now is the time to stop the pain of the past from poisoning the joys of your present and your future.

 

Decide to FORGIVE, LET GOD AND THEN LET GO.


published in

The Philippine Courier


Thursday, January 13, 2011

Pagmumuni-muni ngayong 2011



MAPAGLARO ang tadhana lalo na sa mga taong nagsusumikap upang umunlad ang sarili. Kagaya ng inyong lingkod na parati na lamang hinahampas ng dagok ng panahon. Parating napapasabak sa lahat ng klase ng pagsubok. Ngunit aking napatunayan na, hindi sa lahat ng oras ay nakahand

usay ka sa kawalan na wala man lamang masandalan.
Tayo pa rin ay ginagabayan ng ating Ama na naglalang ng lahat. Hindi pa rin ako pinababayaan sa aking pakikipagsapalaran sa buhay. Nawa’y makaganti man lang ako kahit kaunti sa mga biyayang pinagkakaloob niya sa akin, sa pamamagitan ng ibayong pag-unawa at pagtulong sa kapwa.

Maialis ko sa aking sarili ang sama ng loob sa nangyari sa aking di kanais-nais noong nakaraang taon at mawala ang paghihinampo sa mga tao malalapit sa akin.

Kasihan sana ako parati ng liwanag upang makita ko parati ang tamang daan at patigasin niya ang aking mga kalamnan upang makabangon ng walang alinlangan sa susunod pang mga araw.
Hindi ko man palagiang maisalaysay ang mga pangyayari sa aking buhay ay nagpapasalamat na rin ako at sa mga munting sandali na naibabahagi ko sa iba ang aking mga nararamdaman.

Sa aking asawa na lubos ang hirap, hindi man niya maibulalas, ito ay aking nararamdaman. Malaki na rin naman ang kanyang tinitiis, lalo na sa pag-unawa kung paano ko binibigyang halaga ang aking mga kaanak. Ngunit alam ko na tama siya sa kanyang sariling pananaw na madalas ay inaayunan ng nakararami sa aming mga kaibigan na hinihingahan niya ng loob.

Sana nga ay umunlad na ang kanilang mga kabuhayan upang ang aking sariling pamilya na lang ang maging laman ng aking isipan. Kung paano ko maitataguyod ng maayos ang aking asawa at mga anak na hindi ako iniwan anu pa man ang aming nagiging pagsubok.

Siguro nga ay tadhana na, na kami ni Linda ang magkakasama. Hindi niya ako iniwan. Hindi niya pinakinggan ang lahat ng paninira sa akin ng mga malalapit sa kanya at higit sa lahat minahal niya ako kasama na ang lahat ng kapangitang taglay ng aking pagkatao. Magkasama kami ngayong nagsisikap para sa aming pamilya.

Hindi ko siya nabigyan ng magandang buhay, pero hindi siya naging mapaghanap. Apat na taong singkad na siya ay kailangang umunawa sa mga tao na dapat siya ang inuunawa at iginagalang. Madalas pa sa kanya pa sila nagkakaroon ng sama ng loob. Kay hirap nga namang intindihin ng mga taong akala nila sila ay nasa tama. Ngunit sa mata ng mga nakakakita ay maling-mali ang kanilang ginagawa.

Sa paglabas kamakailan ng aking buhay sa QTV 11 kung saan ipinakita ko ang kahirapan na aming dinadanas. Hindi nagpakita ng panghihina ang aking asawa. Bagkus kapag naaalala namin ang interview, napapangiti pa nga kami dahil para bagang gusto ng mga kumuha ng panayam, na lumabas sa amin na may panghihinayang kami, dahil sa hindi ako naging matagumpay na artista hanggang sa ngayon.

Ini-handa ako sa lahat ng mangyayari ang aking sarili, dahil ito ang buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa isang artista ang limelight. Nagpapasalamat pa nga ako at naging bahagi ako ng showbiz industry. Patuloy pa rin ako sa aking pagsusulat sa iba't-ibang pang lingguhang tabloid, wala akong pinagsisisihan sa lahat ng mga nangyari sa akin. Bagkus ay masaya ako sa lahat ng biyaya na dumaan sa aking buhay.

May kasabihan nga na, "When God closes the door, he opens a window." lahat ay may pagkakataon sa buhay. Ngunit kung hindi natin ito makikita sa kasalukuyan, siguro nga ay hanggang duon na lamang ang daan para sa atin. Pero hanggang tayo ay nabubuhay, nararamdaman ko na dapat lamang na hindi tayo mawalan ng pag-asa.

Magandang pagpasok ng Bagong Taon sa ating lahat!

Tuesday, November 2, 2010

KAIBIGAN, BUHAY KA SA AMING ALAALA

Noong dumalaw kami sa labi ni Felix ay napabulong ang aking asawa nang “Felix, bakit nandyan ka?” malungkot kami habang nakatingin kaming mag-asawa sa walang buhay niyang labi sa Oro Funeral Homes malapit lamang sa dati niyang tinitirhan sa Balic-balic.

Nandoon ang ilang mga kaibigan sa press at showbiz. Naroon din ang mga mukhang hindi namin nakita ngunit naging bahagi din ng kanyang makulay na buhay.

Lumabas agad kami..tinangka naming tanungin ang mga tao sa paligid kung ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay ngunit, hindi ko na magawang muling bumalik sa loob kung saan nakalagak ang kanyang labi..dire-diretso na kaming bumaba.

Yun na ang una at huli kong silip sa kanya at ayaw ko nang bumalik pa. Ayoko siyang makita sa ganoong kalagayan. Madalas ko ngang sabihin na mas gusto ko pang naaalala ang isang namaalam na sa sandaigdigan sa estado noong siya ay buhay pa. Para bang namasyal lang siya sa ibang lugar kaya hindi na kami magkikita. Sa aming pagbaba, hindi na ako nakapag-paalam sa kanyang mga naulila.

Buhay sa amin ang iyong alaala kaibigan, di ka namin malilimutan.

Monday, November 1, 2010

PAALAM, KAIBIGAN



Minsan talagang dumarating sa dulo ng buhay ang isang tao. Kung baga nga doon talaga papunta ang lahat ng sangkatauhan pagsapit ng dapithapon.

Sumakabilang buhay kamakailan ang aming mabait na kaibigang si Felix Espinosa photographer at columnist ng iba’t-ibang tabloid.

Nagkaroon siya ng matinding karamdaman nitong mga nakaraang taon na nagpabagsak sa kanyang katawan. Nakikita na ng marami ang mga sintomas ng kanyang sakit ngunit matapang talaga si Felix..nilabanan niya ang nararamdaman niya na parang wala lamang.

Nabalitaan namin na umuwi siya sa probinsiya kamakailan ngunit ginulantang kami ng balita nuong isang araw...sinabi sa amin ni Rody Pisuena na siya nga ay sumakabilang buhay na.

Nakilala siya bilang “ME NAME KA BA?” sa Bulgar tabloid na may pangaraw-araw na sirkulasyon. Nakadaupang palad ng mga sikat at sumisikat pa lang sa mundo ng showbiz.

Masasabi nating sa kanyang napiling propesyon naitatak niya ang kanyang pangalan at reputasyon bilang isang magaling na photographer at manunulat. Pala-kaibigan at marunong makisama kaya naman nakilala at pinagkatiwalaan.

Wala kaming masasabi sa kanyang taos-pusong pakikipagkaibigan sa aming mag-asawa, nagkakaroon man ng mga tampuhan na natural lamang sa mundong aming ginagalawan, ang tagal ng aming samahan sa mundo ng pagsusulat ay hindi mapapantayan.
Sa iyong pagbabalik sa ating AMA sa kalangitan, mararamdaman namin ang lungkot ng iyong pagkawala, hindi ka namin malilimutan.

Isang araw lamang ang burol ni Felix dito sa Maynila. Bukas na ang libing. Sana ay makadalaw man lamang ang makakabalita. Huling pagkakataon na ting makikita ang isang matalik na kaibigan. Ayon kay Rody Pisuena..nasa Oro Funeral siya ngayon. Nakikidalamhati ang aking pamilya sa mga naulila ni Felix Espinosa.

Sunday, April 26, 2009

KUMILOS... HUWAG UMASA

KARAMIHAN sa mga tao sa panahong ito ay walang ginawa kundi ang umasa. Kahit sa anong trabaho, pamumuhay at maging sa hawak na katungkulan.

Wala kang itulak kabigin. Siyempre, mula sa matanda, ginagaya ng bata. Mula sa may mataas na katungkulan, susundan ng may mababang posisyon. Bakit di natin iwasan ang ganitong ugali?

Nawawalan na tayo ng sariling desisyon lalo pa’t may perang pinag-uusapan. Talaga bang paninindigan na natin na ibenta ang buhay natin? Wala na ba tayong dini-Diyos kundi ang pera?

Pati na rin ang klima ng panahon ay di na rin natin maintindihan. Nitong nakaraang linggo lang ay nakaranas tayo ng pinaka-mainit na panahon dito sa Pilipinas, ngunit biglang kumulimlim ang panahon.

Nang bumubuhos ang ulan, halos di na tumigil ito na naging sanhi ng baha sa iba’t-ibang dako ng Maynila. May mga nagsasabing ito na marahil ang sinasabing pagbabago ng panahon dahil narito na ang "global warming" at kasunod nitong "climate change".

Maghihintay na lang ba tayo sa ating kapalaran? Ang aking pagkakaalam, ibinigay sa atin ng Mahal na Poong Maykapal ang hiram nating buhay. Pero, tayo naman ang mangangalaga nito.

Tayo ang kikilos para sa ating kinabukasan. Tayo ang mangangalaga dito upang laging malakas at upang huwag dapuan ng kahit ano mang karamdaman. Sabi nga "Nasa Diyos Ang Awa, Nasa Tao Ang Gawa".
Kaya, kumilos tayo para sa ating sarili. Huwag tayong umasa sa iba.


Huwag nating ipagbili ang ating kinabukasan. Ipakita natin na tayo ay may paninindigan, may karangalan at may prinsipyong di matatawaran.
Magsimula na tayong kumilos. Magsimula na tayong gumawa, Ano man ang naging kasalanan natin sa ating kapwa tao, lalo na sa ating sarili, ay ihingi natin ng kapatawaran sa Diyos Amang May Lalang.


published on
Morning Star Balita
Vol 2. Bldg.10