Wednesday, July 2, 2014
Ang Mga Ginintuang Pangarap ni Randy
Matapos ang dalawang buwan mula ng naganap ang "Misteryo ng Paru-paro", hindi ko inaakalang ako ay magiging direktor ng isang pelikula. Patunay lamang na naging swerte ang insidenteng yun sa aking buhay. Ito ay ang "Lapis, Ballpen at Diploma" A true to life Journey.
Kung ang paru-paro man ay si Kuya Ron o isang anghel na nagbigay sa amin nang isang magandang pagkakataon, ito ay aking pinasasalamatan. Abangan ninyo ang Hong Kong showing ng pelikulang ito. Ipapalabas din ito sa ilang bansa sa Asya. I-update ko po kayo kung saan-saan ito pupunta.
Matapos ng ilang panahon ay magbabalik ito sa Pilipinas upang mapanood naman ng ating mga kababayan.
Ating pong tangkilikin ang pelikulang Pilipino!
Noon ay naibabahagi ko sa inyo ang poster ng mga pelikula na kung saan ako ay isang artista, ngayon ay poster naman ng pelikula kung saan ako ang director.
Nakilala ko si Randy noong 2010 sa isang networking company na nagbukas ng dyaryo. Sa panahong iyon, hindi namin alam ng aking asawang si Linda na siya ay personal driver ng aming CEO. Dahil ang Randy Montoya na aming nakilala at nakikita ay isang marketing speaker.
Natuwa ako kay Randy dahil sa kanyang pagiging masayahin, at ang kanyang pagpupursige sa buhay. Hindi nagkakalayo ang naging buhay namin noong aming kabataan. Ngunit kahit anung pagsubok sa buhay ay aming hinaharap. Anumang balakid ay kakayaning pagtagumpayan maabot lamang ang ginintuang pangarap.
Masayahin at magaling makipagtalastasan itong si Randy. Akala mo ay walang nagiging problema sa buhay, ngunit sa panahon pa lang iyon ay marami ng problemang kinakaharap. Lumaki at lumago muli si Randy sa kumpanyang nabanggit sa mga lumipas na taon, at sa panahong ito, sila ng asawang si Erlinda ang ilan sa nag-aasikaso ng networking branch nila sa Hong Kong.
Naging tagapagsalita siya ng kumpanya, madalas na ipadala si Randy sa iba't-ibang parte ng ating bansa at maging sa Asya. Hindi pasusubalian na kung ang iba ay may Midas Touch, siya ay nakakakuha ng ginto sa kanyang pagsasalita sa madla.
Malaking inspirasyon siya sa ating mga kababayan, dahil isa si Randy sa mga nagtataglay ng katauhan ng isang nilalang na patuloy na bumabagon sa kanyang pagkakadapa, at sa muli niyang pagbabalik ay mas lumalaki pa, mas tumitibay, at mas nagiging ehemplo para sa ating mga kababayan. Saludo kami Randy sa iyong katatagan.
Ang Misteryo ng Paru-paro
Mayo 1 ng taong ito, magkakausap kami nina Direk Rod at Amay Bisaya sa McDo Quezon Ave. kasama ko ang aking maybahay na si Linda, napag usapan namin ang glory days ng Philippine Films, ang mga kagandahan ng paggawa ng pelikula noong araw, mag experiences at di malilimutang mga eksena sa kani-kaniyang pelikula. Syempre di maiiwasang maisama sa usapan ang Hari ng Pelikulang Pilipino, Fernando Poe Jr..
Ang kanyang nakakalungkot na pamamaalam o premonition sa kanyang mga kasamahan sa industriya. Ang pagbabati niya sa mga magkakagalit sa industriya, ang pag aayos ng kanyang opisina sa FPJ Productions.
Marami ang nalungkot sa biglaang pagkawala ni Kuya Ron, masakit, hindi lang sa kanyang pamilya at mga kaibigan kundi pati na rin sa mga bumubuo ng industriya ng showbiz.
Walang makakapantay sa kanyang kasikatan sa ating mga Pinoy bilang isang artista, walang makakapantay sa kanyang puso sa mga kasamahan sa industriya at walang makakapantay sa tunay niyang pagmamalasakit sa ating kapwa Pinoy na iilan lang kami sa mga nakakasaksi.
Isa sa mga ayaw ni Kuya Ron ay yuong ipabanggit ang kanyang mga nagawang tulong sa kanyang mga kababayan. Kahit noong tumatakbo siya sa larangan ng pulitika kung saan binabato na siya ng mga mapaghusgang mata at binabatikos sa pahayagan, ayaw niya kaming magbigay ng komento ukol dito. Bagay na inirerespeto namin magpahanggang sa ngayon.
Nakita ko sa isang babasahin ang isa sa magandang simbolismo ng puting paru-paro.
"When a white butterfly crosses your path or enters your home, it will bring good luck and is a sign that you will have a good life. White butterflies also symbolize past spirits/souls and are signs of good luck or angels watching over you."
Dinalaw kaya kami ng kaluluwa ni Ron? Hindi ko ito masasagot, ngunit nawa nga maging maganda na ang aming mga gustong matupad sa buhay, isa na dito ay ang makatulong na muling mapasigla ang mundo ng Pelikulang Pilipino.

Ilang sandali pa nakakita kami ng puting paru-paro na umaaligid sa aming pwesto, kataka-taka, dahil nga sa wala namang bukirin o mga halaman na malapit dito at dis oras na ng gabi. Napasambit tuloy si Amay na "Gabayan mo kami Ninong Ron!" (tawag niya kay FPJ). Sa aming pag uwi ay tila gumaan ang aming mga pakiramdam.
Nakita ko sa isang babasahin ang isa sa magandang simbolismo ng puting paru-paro.
"When a white butterfly crosses your path or enters your home, it will bring good luck and is a sign that you will have a good life. White butterflies also symbolize past spirits/souls and are signs of good luck or angels watching over you."
Dinalaw kaya kami ng kaluluwa ni Ron? Hindi ko ito masasagot, ngunit nawa nga maging maganda na ang aming mga gustong matupad sa buhay, isa na dito ay ang makatulong na muling mapasigla ang mundo ng Pelikulang Pilipino.
Saturday, September 7, 2013
ANG MAKABAGONG JOB
![]() |
| Danilo Jurado with Direk Bobby Benitez's Angels |
Naging isang surpresa ang pagkakatanggap ng inyong lingkod na mapabilang sa isang stage play. Ang play ay pinamagatang “Job”, ito ay sa direksyon ni Cesar P. Macaspac Sr. Ang “Job” ay tungkol sa isang pinagpalang alagad ng Diyos na naharap sa napakaraming pagsubok mula sa kamay ni Satanas.
Ang “Job” ay nakapagpalabas na kasama ang inyong lingkod sa Pulilan Central High School noong Hulyo 13 (taong kasalukuyan), kasunod pa dito ang ilan pang parte ng Bulacan ilan pang palabas sa Pampanga at Angat.
![]() |
| Direk Bobby Benitez playing the role of Satan in Job Muog ng Pananampalataya, together with his Angels. |
![]() |
| (L-R) Amante Pulido, Edgar Lo, Tony Leyba, Apo Norman Corpuz taken at Pulilan Central School |
Ngunit sa ngayon, tayong mga Pinoy ay sumasabak sa maraming pagsubok na talaga namang napakahirap.
Marami sa atin ang nakararanas na hindi makain sa araw- araw. Ang pagkakaroon ng ilan ng mga sakit na wala ng lunas, mga kalunos-lunos na sitwasyon ng pang-aapi sa ating mga OFW’s, pang-aalipusta at pangmamaliit sa atin ng ilang karatig bansa sa Asya at kurapsyon mula sa ating mga pinagkatiwalaang mga pulitiko na dapat sana ay magbibigay ng benepisyo sa ating mga mamamayan dahil sila ay mga "public servants" ng bayan.
Sa aking pananaw, tayo ang makabagong “Job”, dahil ang mga pagsubok na ito ay ating malalampasan dahil tayong mga Filipino ay may solidong pananampalataya sa Ating Ama sa kalangitan.
LAKBAY TULONG PANGKABUHAYAN NG CIS- NCR
![]() |
|
Silang
mga nasa larawan ang mga barberong boluntaryong magbibigay ng serbisyo.
(Photo by: Danilo ‘Rico’ Gascon) |
Gupitang Bayan Bara-baranggay tuwing
Sabado’t Linggo pati na rin ang Holiday 9am – 3pm
“Makatao at makabayang adbokasiya, kapit-bisig para sa pagsugpo ng kriminalidad. Sapagkat ang kahirapan ang isa sa ugat ng krimen”. Para sa mga miyembro na nagnanais magkaroon ng dagdag kaalaman pangkabuhayan, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na sangay ng CIS na nakakasakop sa inyong chapter upang mapabilang sa iba’t-ibang uri ng seminar at training.
Ito ay kasalukuyang
nagaganap na sa bawat barangay sa masigasig na pangunguna at sa matapat na
paglilingkod ni NCR-CIS President Mr. Elmer Bernardo at mga NCR district
President in respective communities sa suporta ng kagalang-galang na
Congressman na si Hon. Samuel Pagdilao ng ACT-CIS. - Kiran Singh
Lumabas sa X-Files Vol.6 No. 339 Setyembre 8, 2013
"Isang inspirasyon para sa ating mga Filipino ang ginagawa ng grupo ni Kiran Singh ng NCR-CIS para sa ating mga kababayan. Sa kaunting paraan ay nabibigyan nila ng kasiyahan at pag-asa ang ating kapwa Pinoy. May Gupitang Bara-baranggay na gaganapin malapit sa Luneta Park sa susunod na buwan. Nawa'y mabigyan natin sila ng ating suporta. "- Danilo Jurado

Sunday, August 11, 2013
Mga Ala-ala sa Operetang Putol-putol
Nakita
ko ang larawang nasa kanan-ibabang bahagi ng lathang ito, habang nagtabi-tabi ako ng gamit sa bahay, kadalasan bibihira lang
namin magawang mag ayos-ayos. Dahil na rin siguro sa trabaho naming mag-asawa sa mundo ng
pagsusulat. Kadalasan ay wala kami sa bahay at kung saan-saan kami pumupunta
upang makakuha ng mga sangkap na idadagdag sa aming mga isinusulat na storya. Ito ang ilan sa cast ng Operetang
Putol-putol. Ako yung naka-pulang long sleeve polo.
Nakaluhod ako at nasa aking tabi ang malapit kong kaibigan na si Danny Taguiam. Naka tayo sa may likuran namin sina Esperanza Favon, Elizabeth Ledesma at Dolly Favorito. Ang isa sa tinaguriang Elvis Presley ng Pilipinas na si Buddy Castillo ay nasa likuran nina Beth at Espie. Kasama namin ang ilang kamag-anakan at pamilya namin. Kuha ito noong ihatid namin si Johnny de Leon papuntang Amerika.

Marami akong magandang
karanasang di malilimutan bilang isa sa cast ng nasabing radio show. Noong
kasagsagan ng batas militar sa Pilipinas ay isinara ang aming programa, ngunit
kalakip ang pangako na sa paghupa ng Martial Law ay kami pa rin ang
magkakasama, hanggang sa magiging mga anak-anak namin.
Ngunit noong humupa na ang sigwa ng Martial Law ay iba na programang nasa ere, pero ganoon din ang tema. Sabi nga, life goes on. Hindi na namin inalam kung ano na ang nangyari at hindi natupad ang mga binitawang salita. Nagpatuloy kami sa aming pakikipagsapalaran sa buhay. Si Tessie Lagman na aming titser at si Ben David na aming principal ay patuloy na naging broadcasters nang mahabang panahon.
Ang aming scriptwriter/director na si Manolo Favis ay patuloy pa ring mapapakinggan sa DWBB ng Kapuso Network hanggang sa kasalukuyan.
Nag-aral muna ako ng sayaw at naging choreographer ng traditional dances
para sa mga talents na gustong pumunta ng Japan. Later on, nakapunta
ako sa Land of the Rising Sun. Nagkahiwalay-hiwalay kaming magkakaibigan
at kung saan-saan na kami dinala ng tadhana, ngunit kapag may oras ay
nagkikita-kita din naman.
Ngunit noong humupa na ang sigwa ng Martial Law ay iba na programang nasa ere, pero ganoon din ang tema. Sabi nga, life goes on. Hindi na namin inalam kung ano na ang nangyari at hindi natupad ang mga binitawang salita. Nagpatuloy kami sa aming pakikipagsapalaran sa buhay. Si Tessie Lagman na aming titser at si Ben David na aming principal ay patuloy na naging broadcasters nang mahabang panahon.
Ang aming scriptwriter/director na si Manolo Favis ay patuloy pa ring mapapakinggan sa DWBB ng Kapuso Network hanggang sa kasalukuyan.
Naging
sikat na sikat na mga artista at singers naman sina Edgar Mortiz, Jay
Ilagan at Perla Adea. Habang ang inyong lingkod, Danny Taguiam, Dolly
Favorito, Elizabeth Ledesma, Joe Alvarez at Richard Merk
ay nag-abroad.
![]() |
| Ako at ang aking kaibigan si Danny Taguiam noong nasa Japan kami. |
Naging ninang (sina Perla Adea,
Ezperanza Favon at Dolly Favorito) at ninong (Jay Ilagan, Danny Taguiam,
Richard Merk at Edgar Mortiz) sila ng aking mga anak. Ninang naman naming
mag-asawa sa kasal si Tessie Lagman -Balboa.
Minsan ay nagkaroon kami ng isang memorable get-together para kay Tiya Dely ilang taon na ang nakaraan.
Nagkaroon
din naman ng pagkakataon
na muli naming binuhay ang aming radio career sa pamamagitang ng Opereta
Extravaganza na aming ginawa ng mahigit sa tatlong taon.
Minsan ay nagkaroon kami ng isang memorable get-together para kay Tiya Dely ilang taon na ang nakaraan.
![]() |
| Isang get-together ng Operetang Putol-putol para sa veteran broadcaster na si Tiya Dely, ilang taon na ang nakalilipas, ito ay natupad dahil sa kabutihang-loob ng mag-asawang Richard at Roni. L-R Danilo Jurado, Dolly Favorito, Esperanza Fabon, (veteran broadcaster) Tiya Dely, Richard Merk, Danny Taguiam, and Edgar Mortiz |
![]() |
| Ang inyong lingkod kasama ang aking mga kaibigan na sina Dolly Favorito at Danny Taguiam |
Naging posible ito, dahil na rin sa kabutihang loob ng
isang mabuting kaibigan na si Andrew Gutierrez at ang aking ninang sa kasal na
si Tessie Lagman. Naging masigasig muli kamin at naging active sa aming buhay
showbiz.
Marami
man ang nagsasabi sa amin ng
negatibo ukol sa aming muling pagsasa-ere ng aming programa,
ipinagsawalang
bahala namin ito dahil ito na ang nakagisnan naming mundo nang aming
pagkabata
at hindi na maiaalis sa aming katauhan. Sa aming naging buhay sa
entertainment world, hindi na namin makakalimutan ang aming mga naging
karanasan dito habang kami'y nabubuhay.
Thursday, August 8, 2013
PANGAKO mas malimit mapako
PARA sa inyong lingkod, ang pangako ay isang salitang dapat na bigyan ng halaga. Dahil sa pamamagitan nito ay makikilala mo ang isang tao kung dapat pagtiwalaan o hindi. Sa aking pagkaka-alam, kung ikaw ay isang lalaki, at nagbitaw ng isang salita lalo’t ito ay pangako, kailangan mong itong gawin o gawan ng paraan upang di ka masira sa pinangakuan mo.
Kung sabagay in fairness, sabi sa salitang banyaga, “Promises ARE made to be broken”.
Iyan ay isang uri ng pagtatanggol ng mga taong walang isang salita. Pasintabi po, para sa akin ang mga ganitong tao ay walang kuwentang tao.
Dahil bago ka magsalita ng isang bagay, tiyakin mo muna kung kaya mo itong gawin. Maliban lamang kung gusto mo lang paasahin ang taong pinangakuan mo o pinagyayabangan mo lang ito.
So, kapag ganito ang ugali mo, hindi ka karapat-dapat naging tao. Ang nararapat sa iyo ay maging hayop. Sapagkat ang mga hayop ay walang kapwa tao, kasi nga, hayop sila eh, he.. he.. he..!
* * *
Makabagong salesman... walang modo?
Kamakailan lamang ay pinasok ako ng dalawang salesman sa aking opisina at inaalok ako ng kanilang produkto. PR sana sila, pero mga bastos na basta na lamang pumasok sa loob ng opisina ko ng di man lang kumatok o nagbigay pugay.
Iyan ba ang mga ugali ng mga Salesman ngayon? Sa totoo lang, kailangan din namin ng mga salesman na gaya nilang ma-PR at mahusay magsalita. Pero kung bastos naman, di ko na sila kailangan.
Naging salesman din ako noong kabataan ko at ang unang pinag-aralan ko ay kung paano ko kakausapin ng di maiinis ang taong kakausapin ko.
Dito ko nalaman na kailangan pala ay kumatok ka muna sa pintuan kapag nakasara ito at kung bukas naman ay mag-magandang araw ka muna bago ka lumapit sa taong kakausapin mo.
Kasi, kapag bastos ka, malamang na mabastos ka rin ng taong aalukan mo ng iyong ilalapit sa kanya. masasayang tuloy ang laway mo.
ANG NAKARAAN AY NAKARAAN NA, HARAPIN ANG KASALUKUYAN
MARAMING nakaraan na dapat ng kalimutan dahil sabi nga sa English, “Past is past” na siya namang tama. Naalala ko tuloy ang salitang ito ay unang narinig ng ko ang ganitong katag sa isang dalagita na ang pangalan ay Vilma Santos sa Gubat, Sorsogon kung saan nag-shooting kami ng “The Longest Hundred Miles”.
Dala-dala ang ganoong pananaw sa buhay ang marahil nagpatibay ng katauhan ng Star for All Season na minahal ng kanyang mga kababayan at naging mahusay na Mayor ng Lipa, Batangas at Gobernor ng Batangas.
Ayon sa kanya, “Ang nakaraan ay isa na lamang ala-ala na di na muling maibabalik pa.” Ang mga katagang binitiwan ni Gob. Recto ay ang mga masasayang naganap noong bata pa kami. Kung di ako nagkakamali, mga dose anyos (12 yrs. old) lang noon ang magaling na public servant at mga labing tatlo o labing apat na taon (13 to 14 yrs. old) naman ako.
Ilibing na natin ito sa limot ang sakit upang magbigay kaluwagan sa ating mga puso. Harapin na natin ang kasalukuyan. Marami tayong magagandang magagawa sa kinabukasan kung atin itong pag-aaralan at paghahandaan. Kailangan tayong maka-move on.
Lungkot man ang ating tinamasa dapat lamang kalimutan ang sakit, ngunit tandaan lahat ng leksyon at mga nilalang na nagdulot nito upang di na muling maulit pa sa atin at upang di na ito mangyari pa sa ating kapwa.
Subscribe to:
Posts (Atom)

.jpg)