Tuesday, September 16, 2008

Di pa naman pahuhuli sa bago

Matagal-tagal din akong hindi nakapag-dagdag ng info dito sa aking blog. Ito ay dahil na rin sa hindi maiiwasang computer virus na bigla-bigla na lamang sumusulpot sa aming computer. Kahit na naiinis ako minsan ay malaki naman ang naidudulot na ginhawa sa aking trabaho ang pagkakaroon ng computer sa bahay. Dahil na rin sa nagiging take-home na ang ibang gawain ko at nagkakaroon pa akong makita ang aking pamilya ng mas matagal na panahon.

Medyo marunong na ako ng ibang mga program sa computer na hindi ko nagagamit dati. Konting tiyaga din lang naman at kahit hindi na ako bumayad mag-aral para matuto ng mga program sa computer...unti-unti ko naman itong nakukuha. Kahit naman medyo "mature" na ako ay hindi pa naman ako pahuhuli sa makabagong teknolohiya.

Monday, July 14, 2008

old friends 2


Isa sa mga naging malapit kong kaibigan sa pagsusulat ay si Felix Espinosa. Kuha namin ito sa isang get-together. Kuha ito ng mabait naming chief photographer na si Rody PisueƱa. Isang dahilan ng matagal naming pagkakaibigan ay hindi nasukat sa tagal ng panahon kami ay magkasama kundi sa pagdamay at pagkakaunawaan sa kalakasan at kahinaan ng bawat isa....buti na lang at di nag selos si misis he, he, he. Sa ngayon ay nag-aalala ako sa karamdamang dumapo sa kanya kung saan nagiging daan upang minsan ay mahirapan siya magtrabaho. Sana ay may paraan pa upang gumaling siya.

Thursday, June 12, 2008

Pagpapasalamat


Nagpapasalamat ako ng lubos sa isang blogger din dito sa google na Video 48 dahil sa lumabas duon na litrato ng poster ng pelikula ko. Matiyaga niyang inayos ito. Kahit paano ay masarap balikan ang aking kabataan kung saan tinamasa ko rin naman ang magkaroon ng solo movie. Marami ding pelikula duon kung saan naging co-star ako. Pero sa Marcelino Pan Y Vino ako nag bida. Muli maraming salamat.

Lubos na pakikiramay


Halos kasing idad ko lang pala ang namayapang action star na si Rudy Fernandez. Matanda lang ako ng buwan sa kanya. Nakakatouch lang na kahit na sana krisis na ang kanyang kalagayan ay ang mga tao pa rin sa paligid niya ang kanyang naaalala. Bihira ang ganoong klaseng tao di ba? Sugat nga lang na maliit napapaalumpihit na ang ilan dyan sa sakit at mainit na ang ulo. Pero walang ganoong comment kay Daboy.


Maganda ang coverage ng Kapuso sa kanya. Nakita ko ang sobrang lungkot ng pamilya at mga kaibigan ni Daboy. Sumulat ako kamakailan nga artikulo tungkol sa panalanging naipasa sa akin ng kumpare ko na si Direk Jun, anak ng pinagpipitagang direktor na si Jun De Guzman Sr. sa pamamagitan ng txt, ngunit too late the hero na nga daw sabi ng ilang nakabasa, dahil nung lumabas ang isinulat ko ay pumanaw na nga siya. Nakikiramay ako at ang aking buong pamilya sa mga naulila ni Rudy Fernandez.

Hay salamat...kahit saglit lang

Araw ng kalayaan at libre ngayon sa MRT/LRT. Sa taas ng pamasahe nagdesisyon kami ni misis na ngayon puntahan ang aming mga kailangang kausapin upang kahit papano ay makatipid naman sa aming payak na budget. Natatandaan ko na nuong unang buksan ang LRT ay naging libre ito sa mga unang araw upang maramdaman ng publiko ang ginhawa ng commuting sa Maynila kung saan matindi ang traffic.

Monday, May 19, 2008

PAGNINILAY-NILAY

Minsan di maiiwasan na maikumpara sa ibang tao, kung bakit hindi nagtagal ang tagumpay na aking tinamasa sa larangang bigla na lang dumating sa akin.... napagtanto ko na hindi lahat ay makakaintindi sa mga naganap sa aking buhay.....lumamlam man ang kinang ng bituin na aking nakamit sa murang edad...ito ay naging isang magandang alaala na parati kong binabalik-balikan...kakaiba ang kulay na dulot ng sining na aking tinamasa....di man tuluyang lumisan sa mundong nakasanayan...tanggap ko naman ang realidad na sa buhay ang tanging permanente lang ay ang pagbabago.