Wednesday, January 28, 2009

FILMOGRAPHY


A few years back ay ipinagkatiwala ko sa isang beteranong direktor ang aking mga dating files, pictures at pr ng mga showbiz writers na sumusulat sa akin. Ito ay pinagtiyagaang ipunin ng aking namayapa ng ama. Dahil nga sa bata pa nga ako nuong magsimula ako sa showbiz, siya na ang nag-aasikaso nito. Nangako ang direktor na ilalapit niya ang storya ng aking buhay sa isang malaking network.
 

Nagalit nga si misis dahil pulos original ang aking binigay at hindi mga xerox copies. Sa kasamaang palad, hindi niya natupad ang kanyang pangako, at ng aking babawiin ang nasabing files sa kanyang pinagdalhan wala na daw ito at hindi na makita. Pumunta naman kami sa nasabing netowrk at nakaakyat pa kami hanggang sa office kung saan nito umano ibinigay. 

Medyo nagulat pa ang sumalubong sa aming staff, nagtaka pa ata kung bakit kami naroroon. Ayon sa kanya wala silang files na nakuha! Inusisa namin ang direktor kung kanino niya binigya ang files, sa guard house lang daw ito iniwan. Dahil doon daw ito kukunin ng kanyang kausap. Ilang araw na tawagan pa at wala ring nangyari, wala nang makapagsabi kung kanino ito napunta. Ikinainis lalo ito ng aking asawa, dahil sinabihan na niya ako na ipa-photocopy lang namin, at yon ang ibibigay sa direktor.

Naalala ko tuloy noong isang researcher at isang baguhang host ng isang bagong channel ang humiram sa akin ng CD copy ko ng "Biyaya ng Lupa" sa pangakong pag naisoli nya ito, kasama pa yung ilang kopya ng pelikula ko. natuwa naman ako pero hanggang sa lumipas na ang ilang buwan, nag reformat na ang channel na ito ay wala na akong nabalitaan sa kanila. Ang telepono na ginagamit ko para makontak sila ay ginawa nilang fax number. Finally noong huli ko silang nakausap by phone, dahil sa kakulitan ko, ang huling pangako, bibigyan na lang daw ako ng CD copy nuong episode kung saan ako na-interview, na inintay ko naman, pero di rin sila nakatupad sa usapan. Hanggang sa nagpaalam na ang programa nila sa ere, ngunit inilipat sa ibang istasyon.

Naubos nang naubos ang nga pinaka-iingatan kong mga ala-ala sa hiraman na may pangako. Alam kong sa iba ay wala lang ito, pero para sa akin, ang binitawang salita ay dapat tuparin, kung hindi man ay aminin na kung sino ang may sala. Malaking bawas integridad ito, sister company pa naman ng isang iginagalang na network ang kanilang kumpanya. Magpahanggang ngayon nasa akin pa rin ang number ng batang lalaki na p.a./researcher/o anu pa man ang tawag sa kanya na siyang pinagbigyan ko ng CD ko, ala-ala ito para sa akin, upang na di na magtiwala pa sa ganitong mga indibidwal.
 

Sa ngayon ay naghahanap-hanap tuloy ang asawa ko sa mga library at internet ng mga dati kong pelikula at sinabi sa aking na pag-nauna daw siyang mamatay sa akin at ipahiram ko ng basta ang mga naipon niya, dalawa na raw sila ng Papang na magmumulto sa akin...he, he, he.
 

Anyway pinagtulungan naming pagtagni-tagniin ang ilan sa mga pelikula ko at sana ay maalala ko pa ang iba.


Danilo Jurado Filmography
1) AMA NAMIN - Dir. George Santos - PMP Pictures (1959)
2) MARCELINO PAN Y VINO - Dir. Roy Padilla Champion Pictures (1959)
3) BIGTIME BERTO – Dir. Pablo Santiago – Larry Santiago Production (1959)
4) BIYAYA NG LUPA – Dir. Manuel Silos – LVN Pictures (1959)
5) HUWAG MO AKONG LIMUTIN – Dir. Gerry de Leon – Premier Production (1960)
6) KADENANG PUTIK – Dir. Chat Gallardo – PPP 1960)
7) KATOTOHANAN O GUNI-GUNI – Dir. Jose Miranda Cruz – Tamaraw Pictures (1960)
8) PAUTANG NG LANGIT – Dir. Cirio Santiago – PPP (1960)
9) GINOONG MISTERYOSO – Dir. Jose Miranda Cruz – Tamaraw Pictures (1960)
10) PAGSAPIT NG HATING GABI – Chat Gallardo – PPP (1960)
11) LINTIK LANG ANG WALANG GANTI – Dir. Armando de Guzman – Hollywood Far East
Production (1960)
12) APAT NA BANDILA – Dir. Chat Gallardo – Premier Production (1960)
13) PAMILYA BALASUBAS – Dir. (1960)
14) SAMAR – Lead actor/Dir. George Montgomery – Montgomery film Production – (1960)
15) MILAGROSANG KAMAY – Dir. Santiago – PPP (1961)
16) ALAALA KITA – Dir. Chat Gallardo – PPP (1961)
17) PATIBONG – Dir. Armando de Guzman – Tamaraw Pictures (1961)
18) ALYAS PALOS – Dir. Tony Santos Sr. – Dalisay Films (1961)
19) MALDITONG BANAL – Dir. Artemio Marquez – Dalisay Films (1961)
20) VENGATIBO – Dir. Cirio Santiago – PPP (1961)
21) JUAN TAMAD ENTERS MALAKANYANG – Dir. Tino Garcia – Manuel M. Lagunsad
Films (1961)
22) ADIONG SIKAT – Dir. Fely Crisostomo – Hollywood Far East Production (1962)
23) KAPAG BUHAY ANG INUTANG – Dir. Cirio Santiago – PPP (1962)
24) ALBANO BROTHERS – Dir. Efren Reyes - F.P.J. Production (1962)
25) HARI SA BARILAN – Dir. Armando Herrera – T.I.I.P. (1962)
26) ASIONG SEVEN – Dir. Armando de Guzman – Medallion Films (1962)
27) SIETE BANDIDOS – Dir. Sol Gaudete – Magna East Production (1962)
28) HIWAGA NI MARIANG ISDA – Dir. Tony Camonte - (1962)
29) IKAW NA ANG MAG-AKO – Dir. Mike Caguin – Arriva Production (1962)
30) MARKANG REHAS – Dir. Armando Garces – T.I.I.P. (1962)
31) ITO ANG MAYNILA – Dir. Efren Reyes – F.P.J. Production (1963)
32) DARNA AT ANG IMPAKTA – Dir. Danilo Santiago – PPP (1963)
33) DUELO SA SAPANG BATO – Dir. Jose Miranda Cruz – Larry Santiago Production (1963)
34) MGA PUTAKTI SA KAMYE – Dir. Tony Santos Sr. – Larry Santiago Production (1963
35) DARNA VS. ISPUTNIK – Dir. Natoy Catindig – T.I.I.P. (1963)
36) DAKPIN SI PEDRO NAVARRO – Dir. Chat Gallardo – FILIPINAS Films (1963)
37) MACAPAGAL STORY – Dir. Gregorio Fernandez - M.M. Lagunsad Films (1963)
38) MUNTING BAYANI – Dir. Artemio Marquez – BAYANIHAN Films – (1963)
39) FROM HELL TO BORNEO – Dir. George Montgomery – G.Montgomery Films (1964)
40) PAMBATO – DIr. Eddie Garcia – T.I.I.P. (1964)
41) LOVERS STREET – Dir. Chat Gallardo – T.I.I.P. (1964)
42) SAAN MANG SULOK NG DAIGDIG – Dir. Cirio Santiago – PPP (1964)
43) SABAYAN – Dir. Armando Herrera – T.I.I.P.(1964)
44) TATLONG SIGA SA MAYNILA – Dir. Ding M. de Jesus – R.V. Production (1964)
45) LABO-LABO – Dir. Armando Garces – T.I.I.P. (1964)
46) JOHNNY VAQUERO – Dir. Alex M. Sunga – T.I.I.P. (1964)
47) HAHAMAKIN ANG LAHAT – Dir. Chat Gallardo – EMAR Production (1965)
48) ALYAS DOUGLAS – Dir. Tony Martinez – D.E.S Production *1865)
49) CAPTAIN BARBER VS. CAPTAIN BAKAL – Dir. Ruben Rustia – PPP (1965)
50) BIYAYA NG KATARUNGAN – Dir. Eddie Infante – P.T.C. Films (1965)
51) KIKONG MILYONARYO – Dir. Tony Camonte – Golden Harvest Production (1965)
52) RUFO MAGTANGGOL – Dir.Eddie Garcia – T.I.I.P. (1965)
53) ETERNAL MASK – Dir. Tom Selden – Journey Production (1965)
54) COMBAT P.I. – Dir. Tony Garcia – Golden Harvest Production (1965)
55) TATAK BARBARO Dir. Efren Reyes – R.T.G. Production (1965)
56) MANSANAS SA PARAISO – Dir. Atty. Celso Ad Castillo - Inter. Phil. Production (1965)
57) SHOWDOWN – Dir. Alex M. Sunga – T.I.I.P. (1966)
58) THE LONGEST HUNDRED MILES – Dir. Don Weis – V.I.P. Production (1966)
59) SHARPSHOOTER – Dir. Leody M. Diaz – T.I.I.P. (1966)
60) KILL TONY FALCON – Dir. Armando de Guzman – ARGUZ Production (1966)
61) AKO ANG MATON – Dir. Jose ‘Pepe’ Wenceslao – Grandeur Production (1966)
62) P.S. I LOVE YOU – Jose ‘Pepe’Wenceslao – ZZ Production (1967)
63) DESTINATION: MINDANAO – Dir. – REMWOOD Ptoduction (1968)
64) ANG PULUBI – Dir. Luis Nepomuceno – I.N.P. Films (1969)
65) CHICKS – Dir. Philip San Juan – T.I.I.P. (1969)
66) DAMA DE NOCHE – Dir. Emmanuel Borlaza T.I.I.P. (1969)
67) BALIKATAN – Dir. Jun Aristorenas – JU-VER Production (1969)
68) MARDY – Dir. Consuelo ‘Ateng’ Osorio – JBC Production (1969)
69) OPERETANG PUTOL-PUTOL – Dir. Consuelo ‘Ateng’ Osorio – JBC Production (1970)
70) TERROR HUNTER – Dir. Rolando Ledesma - R.S.L. Production (1980)
71) (HULIHIN SI AVELINO BAGSIK) ANG REBELDE - Dir. Rolando Ledesma – R.S.L. Production (1985)
72) BUHAY SA BUHAY – Dir. Jun de Guzman Jr. – Starboard Films International (2006)