Monday, February 23, 2009

Minsan..talagang kulang

Minsan ay nakausap ko si misis dahil sa pagiging mainitin ng ulo ko paminsan-minsan. Siguro nga ay nadadala lang ako ng "pressures" ng financial problems namin. Aminin man natin o sa hindi lahat tayo ay naaapektuhan na tayo ng sunod-sunod na hamblos ng pagsubok dala ng kung ano-anong outside "forces" na nakakaapekto sa buhay natin dito sa daigdig.

Pag nakikita kong nahihirapan si misis..nararamdaman ko na ako ang may kulang o pagkukulang. Kaya naman na kapag oobserbahan ko siya lalo akong naiinis, pero hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Ngunit ang nakagaan lang sa loob ko ...nuong sabihin ko ito sa kanya...kahit hindi siya nagsalita ay naramdaman kong naintindihan niya ako. Habang nakasakay kami sa bus papauwi ng bahay ay malaki ang ginaan ng pakiramdam ko.

No comments: