KARAMIHAN sa mga tao sa panahong ito ay walang ginawa kundi ang umasa. Kahit sa anong trabaho, pamumuhay at maging sa hawak na katungkulan.
Wala kang itulak kabigin. Siyempre, mula sa matanda, ginagaya ng bata. Mula sa may mataas na katungkulan, susundan ng may mababang posisyon. Bakit di natin iwasan ang ganitong ugali?
Nawawalan na tayo ng sariling desisyon lalo pa’t may perang pinag-uusapan. Talaga bang paninindigan na natin na ibenta ang buhay natin? Wala na ba tayong dini-Diyos kundi ang pera?
Pati na rin ang klima ng panahon ay di na rin natin maintindihan. Nitong nakaraang linggo lang ay nakaranas tayo ng pinaka-mainit na panahon dito sa Pilipinas, ngunit biglang kumulimlim ang panahon.
Nang bumubuhos ang ulan, halos di na tumigil ito na naging sanhi ng baha sa iba’t-ibang dako ng Maynila. May mga nagsasabing ito na marahil ang sinasabing pagbabago ng panahon dahil narito na ang "global warming" at kasunod nitong "climate change".
Maghihintay na lang ba tayo sa ating kapalaran? Ang aking pagkakaalam, ibinigay sa atin ng Mahal na Poong Maykapal ang hiram nating buhay. Pero, tayo naman ang mangangalaga nito.
Tayo ang kikilos para sa ating kinabukasan. Tayo ang mangangalaga dito upang laging malakas at upang huwag dapuan ng kahit ano mang karamdaman. Sabi nga "Nasa Diyos Ang Awa, Nasa Tao Ang Gawa".
Kaya, kumilos tayo para sa ating sarili. Huwag tayong umasa sa iba.
Huwag nating ipagbili ang ating kinabukasan. Ipakita natin na tayo ay may paninindigan, may karangalan at may prinsipyong di matatawaran.
Magsimula na tayong kumilos. Magsimula na tayong gumawa, Ano man ang naging kasalanan natin sa ating kapwa tao, lalo na sa ating sarili, ay ihingi natin ng kapatawaran sa Diyos Amang May Lalang.
published on
Morning Star Balita
Vol 2. Bldg.10
Sunday, April 26, 2009
ANG BUHAY... WEDER, WEDER LANG
Itong nakaraang Linggo ay nakaranas tayo ng pinaka-mainit na panahon dito sa Pilipinas, ngunit ngayon mukhang maagang kumulimlim ang panahon at bumubuhos paunti-unti ang ulan sa dapit-hapon.
Maihahalintulad ito sa buhay natin sa mundong ibabaw, kung minsan ay may problema at kung minsan naman ay masaya.
Naaalala ko tuloy ang pag-uusap namin ng aking kaibigan na si Jay Ilagan noong nabubuhay pa siya. Mula bata ay nakasama ko na siya sa mga pelikula kung saan pag magkasama kami kadalasan siya ang nakababatang kapatid ni Kuya Ronnie, samantalang ako naman ang gumaganap sa papel ng nakababatang kapatid ni Kuya Erap. Maalwan sa buhay ang kanyang pamilya, kaya naman madalas niya akong bigyan ng payo dahil sa mga pagsubok na dumarating sa aking buhay.
Aniya, "Pare ang mundo ay parang gulong minsan ay nasa taas ka at kung minsan naman ay nasa baba ka, pagulong-gulong lang ang buhay. Alam mo Pare ang gulong ko nasa kalahatian pa lang, papuntang itaas, ikaw makakarating din duon".
Ang sabi ko naman, "Alam mo pards ang gulong ko hindi na aabot kahit sa kalahati."Bakit naman?" sagot niya. Tugon ko "Pards, paano makakarating doon eh flat ang gulong ko."
Napapangiti na lang ako pag-naaalala ko yon at madalas kong maikuwento ito kay misis. Totoo man ang sinabi niya para sa ilan, ngunit kailangan nating tanggapin ang realidad. Ang buhay hindi kasing simple na tulad sa isang gulong.
Di tiyak ang kahihinatnan ng buhay ng tao sa mundo. At iilan lang siguro ang pinagpala na magkakaroon ng maayos na sitwasyon sa buhay na walang problemang naghihintay. At sa mga hindi pinalad na makakuha ng kanyang maliit na paraiso dito sa lupa. Patuloy tayong magsikap at magtiwala sa ating Ama sa Langit na nakakaalam ng lahat.
published on
News Update National Newspaper
Vol. 5 Blg. 6. APRIL 23 - 29, 2009

Subscribe to:
Posts (Atom)