
MAPAGLARO ang tadhana lalo na sa mga taong nagsusumikap upang umunlad ang sarili. Kagaya ng inyong lingkod na parati na lamang hinahampas ng dagok ng panahon. Parating napapasabak sa lahat ng klase ng pagsubok. Ngunit aking napatunayan na, hindi sa lahat ng oras ay nakahand
usay ka sa kawalan na wala man lamang masandalan.
Tayo pa rin ay ginagabayan ng ating Ama na naglalang ng lahat. Hindi pa rin ako pinababayaan sa aking pakikipagsapalaran sa buhay. Nawa’y makaganti man lang ako kahit kaunti sa mga biyayang pinagkakaloob niya sa akin, sa pamamagitan ng ibayong pag-unawa at pagtulong sa kapwa.
Maialis ko sa aking sarili ang sama ng loob sa nangyari sa aking di kanais-nais noong nakaraang taon at mawala ang paghihinampo sa mga tao malalapit sa akin.
Kasihan sana ako parati ng liwanag upang makita ko parati ang tamang daan at patigasin niya ang aking mga kalamnan upang makabangon ng walang alinlangan sa susunod pang mga araw.
Hindi ko man palagiang maisalaysay ang mga pangyayari sa aking buhay ay nagpapasalamat na rin ako at sa mga munting sandali na naibabahagi ko sa iba ang aking mga nararamdaman.
Sa aking asawa na lubos ang hirap, hindi man niya maibulalas, ito ay aking nararamdaman. Malaki na rin naman ang kanyang tinitiis, lalo na sa pag-unawa kung paano ko binibigyang halaga ang aking mga kaanak. Ngunit alam ko na tama siya sa kanyang sariling pananaw na madalas ay inaayunan ng nakararami sa aming mga kaibigan na hinihingahan niya ng loob.
Sana nga ay umunlad na ang kanilang mga kabuhayan upang ang aking sariling pamilya na lang ang maging laman ng aking isipan. Kung paano ko maitataguyod ng maayos ang aking asawa at mga anak na hindi ako iniwan anu pa man ang aming nagiging pagsubok.
Siguro nga ay tadhana na, na kami ni Linda ang magkakasama. Hindi niya ako iniwan. Hindi niya pinakinggan ang lahat ng paninira sa akin ng mga malalapit sa kanya at higit sa lahat minahal niya ako kasama na ang lahat ng kapangitang taglay ng aking pagkatao. Magkasama kami ngayong nagsisikap para sa aming pamilya.
Hindi ko siya nabigyan ng magandang buhay, pero hindi siya naging mapaghanap. Apat na taong singkad na siya ay kailangang umunawa sa mga tao na dapat siya ang inuunawa at iginagalang. Madalas pa sa kanya pa sila nagkakaroon ng sama ng loob. Kay hirap nga namang intindihin ng mga taong akala nila sila ay nasa tama. Ngunit sa mata ng mga nakakakita ay maling-mali ang kanilang ginagawa.
Sa paglabas kamakailan ng aking buhay sa QTV 11 kung saan ipinakita ko ang kahirapan na aming dinadanas. Hindi nagpakita ng panghihina ang aking asawa. Bagkus kapag naaalala namin ang interview, napapangiti pa nga kami dahil para bagang gusto ng mga kumuha ng panayam, na lumabas sa amin na may panghihinayang kami, dahil sa hindi ako naging matagumpay na artista hanggang sa ngayon.
Ini-handa ako sa lahat ng mangyayari ang aking sarili, dahil ito ang buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa isang artista ang limelight. Nagpapasalamat pa nga ako at naging bahagi ako ng showbiz industry. Patuloy pa rin ako sa aking pagsusulat sa iba't-ibang pang lingguhang tabloid, wala akong pinagsisisihan sa lahat ng mga nangyari sa akin. Bagkus ay masaya ako sa lahat ng biyaya na dumaan sa aking buhay.
May kasabihan nga na, "When God closes the door, he opens a window." lahat ay may pagkakataon sa buhay. Ngunit kung hindi natin ito makikita sa kasalukuyan, siguro nga ay hanggang duon na lamang ang daan para sa atin. Pero hanggang tayo ay nabubuhay, nararamdaman ko na dapat lamang na hindi tayo mawalan ng pag-asa.
Magandang pagpasok ng Bagong Taon sa ating lahat!
No comments:
Post a Comment