Mahirap nga talaga ang maging totoo sa sarili... madalas, ang tao sa sandaigdigan ay parating kailangang sumunod sa tinatawag na 'norms' ng sosyodad. Kadalasan, upang matanggap ang tao ng kanyang kapaligiran ay kailangan pa niyang tumalon sa isang napakalalim na balon ng pagkukunwari.
Naimbitahan kami ng aking asawa kamakailan sa preview ng "Black Swan" kung saan bida si Natalie Portman (Nina). Kahit na sabihing nasa 'mature' bracket' na ang pelikula. Mababaon sa kaisipan ng marami ang kahalagahan ng pagiging totoo sa sarili.
Naging pahirap sa katawan at isipan ni Nina ang kanyang pagsusumikap na maging perpekto, para sa kanyang ina at sa mundo ginagalawan (ang mundo ng ballet) .
Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang pagiging perpekto ng tao ang siyang basehan upang magtagumpay ka sa iyong napiling larangan. Ang paglaban ni Nina sa kanyang sariling karuwagan, ang siyang naging dahilan upang maabot niya ang hinahangad, ang magtagumpay sa pagganap ng Black Swan.
Nilabanan niya ang kanyang sariling kahinaan upang mabuo ang isang katauhan na taliwas sa kanyang pagkatao. Nagturo ako ng sayaw ilang taon na ang nakararaan, mahirap ang pressure na naiaatang sa isang lead dancer. Lalo pa ang kanilang pagsisikap na makuha pabor ng nakatataas sa kanila.
Aminin man natin o hindi...lahat tayo ay may dark side... isang black swan.. pero sino ba ang dapat manaig? Ang lumalabas na white swan na mahina, duwag, ngunit may kabutihang taglay? O ang black swan na tuso, malakas at may kadilimang ng budhi?
Tayo lamang ang makakapamili kung alin tayo sa dalawa. Walang makakapigil sa ating pag-unlad kundi ang ating sarili.
No comments:
Post a Comment