Kung minsan di talaga maintindihan
ang panahon, minsan sobrang lamig. Minsan naman sobrang init. Sa ngayon ang
bansang Pilipinas ay nakaranas ng pinakamalamig na panahon tuwing sasapit ang
gabi, samantalang mainit kapag sumisikat na ang Haring araw.
Maihahalintulad ito sa buhay natin sa mundong ibabaw, kung minsan ikaw ay nasa ibabaw at kung minsan naman ay nasa ilalim ka.
Naaalala ko tuloy ang pag-uusap namin ng aking kaibigan na si Jay Ilagan noong nabubuhay pa siya. Mula bata ay nakasama ko na siya sa mga pelikula kung saan pag magkasama kami.
Maihahalintulad ito sa buhay natin sa mundong ibabaw, kung minsan ikaw ay nasa ibabaw at kung minsan naman ay nasa ilalim ka.
Naaalala ko tuloy ang pag-uusap namin ng aking kaibigan na si Jay Ilagan noong nabubuhay pa siya. Mula bata ay nakasama ko na siya sa mga pelikula kung saan pag magkasama kami.
Kadalasan siya ang nakababatang kapatid ni Kuya Ronnie o kilala bilang Da King na si Fernando Poe Jr., samantalang ako naman ang gumaganap sa papel ng nakababatang kapatid kay Kuya Erap o ang ating Presidente na si Joseph Ejercito Estrada.
Maalwan sa buhay ang pamilya ni Pareng Jay, kaya naman madalas niya akong bigyan ng payo dahil sa mga pagsubok na dumarating sa aking buhay.
Aniya, "Pare ang mundo ay parang gulong, minsan ay nasa taas ka at kung minsan naman ay nasa baba ka, pagulong-gulong lang ang buhay. Alam mo pare ang gulong ko nasa kalahatian pa lang, papuntang itaas, ikaw makakarating din duon".
Ang sabi ko naman, "Alam mo pards ang gulong ko hindi na aabot kahit sa kalahati." Bakit naman?" sagot niya. Tugon ko "Pards, paano makakarating doon eh flat ang gulong ko."
Mapapailing na lang siya dahil lumalabas na katawa-tawa ang aking sinasabi. Pero masasabi ko na paano nga kung ito ang nararamdaman ng karamihan sa mga taong marami na ang dumating na di pangkaraniwang pagsubok sa buhay, at maging sa kanilang mga supling ay ganoon din ang sinasapit na tadhana? Masasambit ba man lang nila na ang buhay ay isang gulong lamang?
Napapangiti na lang ako pag-naaalala ko yon at madalas kong maikuwento ito kay misis. Totoo man ang sinabi ni Pareng Jay para sa ilan pinapalad na makaangat sa buhay at matikman man lang ang pagiging kumportable, ngunit kailangan nating tanggapin ang realidad.
Ang buhay hindi kasing simple na tulad sa isang gulong. Di tiyak ang kahihinatnan ng buhay ng tao sa mundo. At iilan lang siguro ang pinagpala na magkakaroon ng maayos na sitwasyon sa buhay na walang problemang naghihintay.
At sa iilang pinalad na makakuha ng kanyang maliit na paraiso dito sa lupa, dapat na itong ipagpasalamat.
Nawa’y patuloy tayong magsikap at magtiwala sa ating Ama sa Langit na nakakaalam ng lahat.
No comments:
Post a Comment