Danilo Jurado with Direk Bobby Benitez's Angels |
Naging isang surpresa ang pagkakatanggap ng inyong lingkod na mapabilang sa isang stage play. Ang play ay pinamagatang “Job”, ito ay sa direksyon ni Cesar P. Macaspac Sr. Ang “Job” ay tungkol sa isang pinagpalang alagad ng Diyos na naharap sa napakaraming pagsubok mula sa kamay ni Satanas.
Ang “Job” ay nakapagpalabas na kasama ang inyong lingkod sa Pulilan Central High School noong Hulyo 13 (taong kasalukuyan), kasunod pa dito ang ilan pang parte ng Bulacan ilan pang palabas sa Pampanga at Angat.
Direk Bobby Benitez playing the role of Satan in Job Muog ng Pananampalataya, together with his Angels. |
(L-R) Amante Pulido, Edgar Lo, Tony Leyba, Apo Norman Corpuz taken at Pulilan Central School |
Ngunit sa ngayon, tayong mga Pinoy ay sumasabak sa maraming pagsubok na talaga namang napakahirap.
Marami sa atin ang nakararanas na hindi makain sa araw- araw. Ang pagkakaroon ng ilan ng mga sakit na wala ng lunas, mga kalunos-lunos na sitwasyon ng pang-aapi sa ating mga OFW’s, pang-aalipusta at pangmamaliit sa atin ng ilang karatig bansa sa Asya at kurapsyon mula sa ating mga pinagkatiwalaang mga pulitiko na dapat sana ay magbibigay ng benepisyo sa ating mga mamamayan dahil sila ay mga "public servants" ng bayan.
Sa aking pananaw, tayo ang makabagong “Job”, dahil ang mga pagsubok na ito ay ating malalampasan dahil tayong mga Filipino ay may solidong pananampalataya sa Ating Ama sa kalangitan.
3 comments:
ok ah nice pards.
nice pards.
salamat rey!
Post a Comment