Itong nakaraang Linggo ay nakaranas tayo ng pinaka-mainit na panahon dito sa Pilipinas, ngunit ngayon mukhang maagang kumulimlim ang panahon at bumubuhos paunti-unti ang ulan sa dapit-hapon.
Maihahalintulad ito sa buhay natin sa mundong ibabaw, kung minsan ay may problema at kung minsan naman ay masaya.
Naaalala ko tuloy ang pag-uusap namin ng aking kaibigan na si Jay Ilagan noong nabubuhay pa siya. Mula bata ay nakasama ko na siya sa mga pelikula kung saan pag magkasama kami kadalasan siya ang nakababatang kapatid ni Kuya Ronnie, samantalang ako naman ang gumaganap sa papel ng nakababatang kapatid ni Kuya Erap. Maalwan sa buhay ang kanyang pamilya, kaya naman madalas niya akong bigyan ng payo dahil sa mga pagsubok na dumarating sa aking buhay.
Aniya, "Pare ang mundo ay parang gulong minsan ay nasa taas ka at kung minsan naman ay nasa baba ka, pagulong-gulong lang ang buhay. Alam mo Pare ang gulong ko nasa kalahatian pa lang, papuntang itaas, ikaw makakarating din duon".
Ang sabi ko naman, "Alam mo pards ang gulong ko hindi na aabot kahit sa kalahati."Bakit naman?" sagot niya. Tugon ko "Pards, paano makakarating doon eh flat ang gulong ko."
Napapangiti na lang ako pag-naaalala ko yon at madalas kong maikuwento ito kay misis. Totoo man ang sinabi niya para sa ilan, ngunit kailangan nating tanggapin ang realidad. Ang buhay hindi kasing simple na tulad sa isang gulong.
Di tiyak ang kahihinatnan ng buhay ng tao sa mundo. At iilan lang siguro ang pinagpala na magkakaroon ng maayos na sitwasyon sa buhay na walang problemang naghihintay. At sa mga hindi pinalad na makakuha ng kanyang maliit na paraiso dito sa lupa. Patuloy tayong magsikap at magtiwala sa ating Ama sa Langit na nakakaalam ng lahat.
published on
News Update National Newspaper
Vol. 5 Blg. 6. APRIL 23 - 29, 2009
2 comments:
Hi Danny:
Naalala ko noong ako'y maliit pa. Kapag nagbabakasyon ako sa Bicol (Sorsogon), laging naroon din si Jay at ang kanyang ina, si Corazon Noble. Kaibigan sila ng aking tiyuhin, at kung ako'y nagpupunta doon kung summer, lagi ring naroon ang mag-ina. Kaya naging kalaro ko si Jay. Jay was a wonderful guy. He was level-headed, friendly and kind.
Life can be tricky sometimes. I've never thought that one day I would end up in RP showbiz as well. My first dream was to draw komiks. At 14, I started doing that and later, I also started writing scripts. While I was in university, Channel 2 hired me as scriptwriter for 7 TV shows in the mid 1970s. I was the writer of Alma Moreno's weekly drama Alindog, and Rosa Rosal's Ulila, Romnick's Peping ang munting Anghel, Bata, True Story, Señor Sto. Niño, and Snooky's Infinitus. Indeed, the world of Philippine Showbiz is quite small. The people you've known, I've known them as well. Maski ikaw, naalala kita sa ilang old films. Man, you're such a gifted child, an amazing actor (like Jay Ilagan). Iyan ang isang bagay na hindi mawawala sa iyo. Your god-given talent. Btw, one of your colleagues in showbiz became my classmates in FEU. Perla Adea was classmate in Speech and Drama (Mass comm was my major), and I will always remember her as one of the sweetest girls I've ever known in my life. It's unfortunate that we've never met in 1970s. Lagi sana kitang na-i-guest sa mga tv shows ko noon. Pihadong lalo sanang gumanda ang episodes dahil isa kang napakagaling na artista. Nagsulat rin nga pala ako ng script sa Regal films, yung Bedspacers.
It's rather nostalgic to be reading the things you've written in your blog. By the same token, it reminds us how fast time could come and go. Now you it, now you don't. Just like life. It's quite short, no matter how long you live.
But you're quite inspiring. The way you look at life and the way you accept things about life is quite palpable. I think you should write your life story. When you're done writing it, make sure you email me a copy and I'll read it. Hahaha. Tapos, I will give my feedback para may another pair of eyes to view it. I think it has some promise somewhere. After all, the child star Danilo Jurado was once upon a time, the favorite of many moviegoers.
Btw, is Armando de Guzman still alive? I think he was one of the Philippines' great film directors.
Well, then, Danny, I enjoyed reading your blog and I wish you all the luck and happiness in the world.
Kamusta TheCoolCanadian,
Salamat sa comments mo. Pasensiya ka na at matagal bago ko natangpuan itong comment mo sa akin. Ang anak ni Armando De Guzman ay nakasama ko a few years back, si Armando de Guzman Jr., we tried to finish a movie called "Buhay sa buhay" produced by one aspiring producer, Dr. Felix Cantal. Si Palito and a personality called "Bangkay" are the main characters. Unfortunately, due to unavoidable circumstance di natapos ito. Kung tama ang pagkaka-alala ko, two years ago, namayapa na na ang anak niya. As for Armando De Guzman Sr. di ko pa alam kung ano ang nangyari sa kanya.
Post a Comment