Sunday, August 11, 2013

Mga Ala-ala sa Operetang Putol-putol

Ito ang poster ng pelikulang Operetang Putol-Putol, makikita sa larawan ang aking mga kasamahan noong kanilang kabataan at katanyagan, ilan sa amin ang nagkaroon ng mas matitingkad na career matapos ang Martial Law. Photo courtesy of Video 48
Nakita ko ang larawang nasa kanan-ibabang bahagi ng lathang ito, habang nagtabi-tabi ako ng gamit sa bahay, kadalasan bibihira lang namin magawang mag ayos-ayos. Dahil na rin siguro sa trabaho naming mag-asawa sa mundo ng pagsusulat. Kadalasan ay wala kami sa bahay at kung saan-saan kami pumupunta upang makakuha ng mga sangkap na idadagdag sa aming mga isinusulat na storya. Ito ang ilan sa cast ng Operetang Putol-putol. Ako yung naka-pulang long sleeve polo.

Nakaluhod ako at nasa aking tabi ang malapit kong kaibigan na si Danny Taguiam. Naka tayo sa may likuran namin sina Esperanza Favon, Elizabeth Ledesma at Dolly Favorito. Ang isa sa tinaguriang Elvis Presley ng Pilipinas na si Buddy Castillo ay nasa likuran nina Beth at Espie. Kasama namin ang ilang kamag-anakan at pamilya namin. Kuha ito noong ihatid namin si Johnny de Leon papuntang Amerika. 

Marami akong magandang karanasang di malilimutan bilang isa sa cast ng nasabing radio show.  Noong kasagsagan ng batas militar sa Pilipinas ay isinara ang aming programa, ngunit kalakip ang pangako na sa paghupa ng Martial Law ay kami pa rin ang magkakasama, hanggang sa magiging mga anak-anak namin.

Ngunit noong humupa na ang sigwa ng Martial Law ay iba na  programang nasa ere, pero ganoon din ang tema. Sabi nga, life goes on. Hindi na namin inalam kung ano na ang nangyari at hindi natupad ang mga binitawang salita. Nagpatuloy kami sa aming pakikipagsapalaran sa buhay. Si Tessie Lagman na aming titser at si Ben David na aming principal ay patuloy na naging broadcasters nang mahabang panahon.
Ang larawang ito ay kuha sa loob ng DWBB nuong aming binisita si Manolo Favis ilang taon na rin ang nakararaan, kasagsagan ng kanyang portion na kung tawagin ay "mix-mix". L-R Elizabeth Ledesma, ang inyong lingkod na nakatayo Danilo Jurado, Dolly Favorito at ang kanyang kaibigan, at ang aking ninang na si Tessie Lagman-Balboa
Ang aming scriptwriter/director na si Manolo Favis ay patuloy pa ring mapapakinggan sa DWBB ng Kapuso Network hanggang sa kasalukuyan.

Naging sikat na sikat na mga artista at singers naman sina Edgar Mortiz, Jay Ilagan at Perla Adea. Habang ang inyong lingkod, Danny Taguiam, Dolly Favorito, Elizabeth Ledesma, Joe Alvarez at Richard Merk ay nag-abroad.
Ako at ang aking kaibigan si Danny Taguiam noong nasa Japan kami.
Nag-aral muna ako ng sayaw at naging choreographer ng traditional dances para sa mga talents na gustong pumunta ng Japan. Later on, nakapunta ako sa Land of the Rising Sun. Nagkahiwalay-hiwalay kaming magkakaibigan at kung saan-saan na kami dinala ng tadhana, ngunit kapag may oras ay nagkikita-kita din naman.

Naging ninang (sina Perla Adea, Ezperanza Favon at Dolly Favorito) at ninong (Jay Ilagan, Danny Taguiam, Richard Merk at Edgar Mortiz) sila ng aking mga anak. Ninang naman naming mag-asawa sa kasal si Tessie Lagman -Balboa.

Minsan ay nagkaroon kami ng isang memorable get-together para kay Tiya Dely ilang taon na ang nakaraan.
Isang get-together ng Operetang Putol-putol para sa veteran broadcaster na si Tiya Dely, ilang taon na ang nakalilipas, ito ay natupad dahil sa kabutihang-loob ng mag-asawang Richard at Roni. L-R Danilo Jurado, Dolly Favorito, Esperanza Fabon, (veteran broadcaster) Tiya Dely, Richard Merk, Danny Taguiam, and Edgar Mortiz
Nagkaroon din naman ng pagkakataon na muli naming binuhay ang aming radio career sa pamamagitang ng Opereta Extravaganza na aming ginawa ng mahigit sa tatlong taon. 
Ang inyong lingkod kasama ang aking mga kaibigan na sina Dolly Favorito at Danny Taguiam
Naging posible ito, dahil na rin sa kabutihang loob ng isang mabuting kaibigan na si Andrew Gutierrez at ang aking ninang sa kasal na si Tessie Lagman. Naging masigasig muli kamin at naging active sa aming buhay showbiz.

Ang aking mga kasama sa Opereta Extravanganza. (L-R Andrew Gutierrez and companion, Dolly Favorito, Elizabeth Ledesma, at ninang Tessie Lagman-Balboa, magkatabi namang nakaluhod sina Danny Taguiam at ang inyong lingkod Danilo Jurado
Marami man ang nagsasabi sa amin ng negatibo ukol sa aming muling pagsasa-ere ng aming programa, ipinagsawalang bahala namin ito dahil ito na ang nakagisnan naming mundo nang aming pagkabata at hindi na maiaalis sa aming katauhan. Sa aming naging buhay sa entertainment world, hindi na namin makakalimutan ang aming mga naging karanasan dito habang kami'y nabubuhay.
 

Thursday, August 8, 2013

PANGAKO mas malimit mapako

PARA sa inyong lingkod, ang pangako ay isang salitang dapat na bigyan ng halaga. Dahil sa pamamagitan nito ay makikilala mo ang isang tao kung dapat pagtiwalaan o hindi. Sa aking pagkaka-alam, kung ikaw ay isang lalaki, at nagbitaw ng isang salita lalo’t ito ay pangako, kailangan mong itong gawin o gawan ng paraan upang di ka masira sa pinangakuan mo.
Kung sabagay in fairness, sabi sa salitang banyaga, “Promises ARE made to be broken”. 


Iyan ay isang uri ng pagtatanggol ng mga taong walang isang salita. Pasintabi po, para sa akin ang mga ganitong tao ay walang kuwentang tao.
 

Dahil bago ka magsalita ng isang bagay, tiyakin mo muna kung kaya mo itong gawin. Maliban lamang kung gusto mo lang paasahin ang taong pinangakuan mo o pinagyayabangan mo lang ito.
 

So, kapag ganito ang ugali mo, hindi ka karapat-dapat naging tao. Ang nararapat sa iyo ay maging hayop. Sapagkat ang mga hayop ay walang kapwa tao, kasi nga, hayop sila eh, he.. he.. he..!
 

* * *

Makabagong salesman... walang modo?

Kamakailan lamang ay pinasok ako ng dalawang salesman sa aking opisina at inaalok ako ng kanilang produkto. PR sana sila, pero mga bastos na basta na lamang pumasok sa loob ng opisina ko ng di man lang kumatok o nagbigay pugay.

Iyan ba ang mga ugali ng mga Salesman ngayon?  Sa totoo lang, kailangan din namin ng mga salesman na gaya nilang ma-PR at mahusay magsalita. Pero kung bastos naman, di ko na sila kailangan.
 

Naging salesman din ako noong kabataan ko at ang unang pinag-aralan ko ay kung paano ko kakausapin ng di maiinis ang taong kakausapin ko.
 

Dito ko nalaman na kailangan pala ay kumatok ka muna sa pintuan kapag nakasara ito at kung bukas naman ay mag-magandang araw ka muna bago ka lumapit sa taong kakausapin mo.
 

Kasi, kapag bastos ka, malamang na mabastos ka rin ng taong aalukan mo ng iyong ilalapit sa kanya. masasayang tuloy ang laway mo.

ANG NAKARAAN AY NAKARAAN NA, HARAPIN ANG KASALUKUYAN


MARAMING nakaraan na dapat ng kalimutan dahil sabi nga sa English, “Past is past” na siya namang tama. Naalala ko tuloy ang salitang ito ay unang narinig ng ko ang ganitong katag sa isang dalagita na ang pangalan ay Vilma Santos sa  Gubat, Sorsogon kung saan nag-shooting kami ng “The Longest Hundred Miles”. 

Dala-dala ang ganoong pananaw sa buhay ang marahil nagpatibay ng katauhan ng Star for All Season na minahal ng kanyang mga kababayan at naging mahusay na Mayor ng Lipa, Batangas at Gobernor ng Batangas.

Ayon sa kanya, “Ang nakaraan ay isa na lamang ala-ala na di na muling maibabalik pa.” Ang mga katagang binitiwan ni Gob. Recto ay ang mga masasayang naganap noong bata pa kami. Kung di ako nagkakamali, mga dose anyos (12 yrs. old) lang noon ang magaling na public servant at mga labing tatlo o labing  apat na taon (13 to 14 yrs. old) naman ako.
 

Ilibing na natin ito sa limot ang sakit upang magbigay kaluwagan sa ating mga puso. Harapin na natin ang kasalukuyan. Marami tayong magagandang magagawa sa kinabukasan kung atin itong pag-aaralan at paghahandaan. Kailangan tayong maka-move on.
 

Lungkot man ang ating tinamasa dapat lamang kalimutan ang sakit, ngunit tandaan lahat ng leksyon at mga nilalang na nagdulot nito upang di na muling maulit pa sa atin at  upang di na ito mangyari pa sa ating kapwa.

Joseph Estrada.... tunay na Manila Boy


Kung natatandaan ninyo ang mga pelikula ng dating Pangulong Joseph Estrada, malalaman mong siguradong wala siyang talo sa pagtakbo niya sa Maynila. Kaya naman tinalo niya bilang mayor ang magiting na si Mayor Alfredo Lim.



Malaki rin naman ang nagawa ng tinagurian dirty Harry ng Maynila. Subalit pinili ng lehitimong Manileno ang tunay na Manileno na walang iba kundi ang elect mayor na si Joseph Ejercito ‘Erap’ Estrada. 

Mahal ni Joseph ‘Geron Busabos’ ang Maynila at laan siyang mamatay para dito. Maganda ang layunin niya para sa mga tagarito. Ayaw niya ang nang-aagrabiyado. Iyan ang papel niya sa “Geron Busabos ANG BATANG QUIAPO”

Mag kasama naman sila ng King of Philippine Movies, Fernando Poe Jr. sa pelikulang pinamagatang "ITO ANG MAYNILA" gumanap ang inyong lingkod bilang batang kapatid ng ating mayor ng Maynila.
 

Samantalang sa ‘MARKANG REHAS’. Mula sa bilibid ay nakalaya siya pamamagitan ng Parole. Bilang isang Parole, kailangan niyang umiwas sa gulo. Kaya naman ang mga dating takot sa kanya ay ang siyang gumagawa ng paraan upang pumasok siya sa pakikipag-away.
 

Si Mayor Joseph Ejercito Estrada kasama ang inyong lingkod sa isang eksena ng "ITO ANG MAYNILA
Una niyang nilalapitan ang Poong Nazareno kapag may problema siya. Lahat ng iwas ay ginawa niya huwag siyang mabilanggouli. Ngunit ng idinamay na ang kanyang Ina (Mary Walter) at kapatid na pilay (Danilo Jurado) ay lumaban na siya.
 

Nang mapatay na niya ang kanyang mga kalaban at marami na siyang tama ay pumasok siya sasimbahan upang humingi ng tawad sa kanyang itinuturing na pangalawang ama at iyan ay walang iba kundi ang Poong Nazareno. Sa mga nagawang kasalanan.
 

Sa tunay na buhay man o sa kanyang mga pelikulang nagawa, ipinapikikita niyang, talagang mahal niya ang Maynila at ito ay naramdaman ng mga Manileno. Kung kaya iniluklok siya ng mga ito bilang kanilang Mayor.




ORBIT BALITA

Entertainment Section
Vol.2 No.2 June 3-9, 2013


MAYNILA, bilang Capital City ng Pilipinas, ibabalik na!



Marami ang nagpagandang Maynila. Marami rin namang nagpaligaya sa dito. Subalit ang tunay na saya at kagandahan nito ay di naramdaman ng lahat. Para bagang laging may kulang.

Sa pagkaka-alam ng inyong lingkod, mayroong hinahanap ang karamihan sa upang gumanda at maging maligaya ang mga taga-Maynila, at ito ang malamang na gawin ng ating bagong halal na Mayor Joseph Ejercito Estrada at nang kanyang Vice - Mayor na si Isko Moreno.

Minsan kasi, hindi lang ganda o saya ang kailangan din naman ng tao man o lugar ang kalayaan at  ng puso. Kung may ganda, kasiyahan, kalayaan at may puso ang bawat ginagawa, wala ng hahanapin pa.

Walang mayaman, walang mahirap ang lahat ay pantay - pantay sa lahat ng bagay. Sa kapwa Pilipino, mga naturalisadong Pilipino o may lahi ng ibang bansa. Ang lahat ay may karapatan sa pantay - pantay na karapatan sa ating Maynila.

Walang tinitignan, walang tinititigan. Iyan ang magsasa-ayos ng Lungsod ng Maynila. Ibabalik na ang dating Maynila ang Capital City ng Pilipinas. Subalit kailangan din nating maunawaan na hindi ganoon kadali ang lahat ng ito.

Kakailanganin ng ating mga mamumuno ang suporta ng bawat Manileno. Kailangan din nila ang pakikiisa ng mga mamamayan nito. Ang pagsunod sa mga batas na ipapatupad ng ating bagong mga halal na kandidato.
Sa pamamagitan nina Mayor Joseph Ejercito Estrada, Vice-Mayor Isko Moreno sampu ng kanilang mga halal ng bayang mga Konsehales ay kanilang gagawin ang mga nararapat para sa Maynila...


ORBIT BALITA
Vol.2 No.2  June 3-9, 2013