Kung natatandaan ninyo ang mga pelikula ng dating Pangulong Joseph Estrada, malalaman mong siguradong wala siyang talo sa pagtakbo niya sa Maynila. Kaya naman tinalo niya bilang mayor ang magiting na si Mayor Alfredo Lim.
Malaki rin naman ang nagawa ng tinagurian dirty Harry ng Maynila. Subalit pinili ng lehitimong Manileno ang tunay na Manileno na walang iba kundi ang elect mayor na si Joseph Ejercito ‘Erap’ Estrada.
Mahal ni Joseph ‘Geron Busabos’ ang Maynila at laan siyang mamatay para dito. Maganda ang layunin niya para sa mga tagarito. Ayaw niya ang nang-aagrabiyado. Iyan ang papel niya sa “Geron Busabos ANG BATANG QUIAPO”
Mag kasama naman sila ng King of Philippine Movies, Fernando Poe Jr. sa pelikulang pinamagatang "ITO ANG MAYNILA" gumanap ang inyong lingkod bilang batang kapatid ng ating mayor ng Maynila.
Samantalang sa ‘MARKANG REHAS’. Mula sa bilibid ay nakalaya siya pamamagitan ng Parole. Bilang isang Parole, kailangan niyang umiwas sa gulo. Kaya naman ang mga dating takot sa kanya ay ang siyang gumagawa ng paraan upang pumasok siya sa pakikipag-away.
Si Mayor Joseph Ejercito Estrada kasama ang inyong lingkod sa isang eksena ng "ITO ANG MAYNILA |
Nang mapatay na niya ang kanyang mga kalaban at marami na siyang tama ay pumasok siya sasimbahan upang humingi ng tawad sa kanyang itinuturing na pangalawang ama at iyan ay walang iba kundi ang Poong Nazareno. Sa mga nagawang kasalanan.
Sa tunay na buhay man o sa kanyang mga pelikulang nagawa, ipinapikikita niyang, talagang mahal niya ang Maynila at ito ay naramdaman ng mga Manileno. Kung kaya iniluklok siya ng mga ito bilang kanilang Mayor.
ORBIT BALITA
Entertainment Section
Vol.2 No.2 June 3-9, 2013
No comments:
Post a Comment