Thursday, August 8, 2013

PANGAKO mas malimit mapako

PARA sa inyong lingkod, ang pangako ay isang salitang dapat na bigyan ng halaga. Dahil sa pamamagitan nito ay makikilala mo ang isang tao kung dapat pagtiwalaan o hindi. Sa aking pagkaka-alam, kung ikaw ay isang lalaki, at nagbitaw ng isang salita lalo’t ito ay pangako, kailangan mong itong gawin o gawan ng paraan upang di ka masira sa pinangakuan mo.
Kung sabagay in fairness, sabi sa salitang banyaga, “Promises ARE made to be broken”. 


Iyan ay isang uri ng pagtatanggol ng mga taong walang isang salita. Pasintabi po, para sa akin ang mga ganitong tao ay walang kuwentang tao.
 

Dahil bago ka magsalita ng isang bagay, tiyakin mo muna kung kaya mo itong gawin. Maliban lamang kung gusto mo lang paasahin ang taong pinangakuan mo o pinagyayabangan mo lang ito.
 

So, kapag ganito ang ugali mo, hindi ka karapat-dapat naging tao. Ang nararapat sa iyo ay maging hayop. Sapagkat ang mga hayop ay walang kapwa tao, kasi nga, hayop sila eh, he.. he.. he..!
 

* * *

Makabagong salesman... walang modo?

Kamakailan lamang ay pinasok ako ng dalawang salesman sa aking opisina at inaalok ako ng kanilang produkto. PR sana sila, pero mga bastos na basta na lamang pumasok sa loob ng opisina ko ng di man lang kumatok o nagbigay pugay.

Iyan ba ang mga ugali ng mga Salesman ngayon?  Sa totoo lang, kailangan din namin ng mga salesman na gaya nilang ma-PR at mahusay magsalita. Pero kung bastos naman, di ko na sila kailangan.
 

Naging salesman din ako noong kabataan ko at ang unang pinag-aralan ko ay kung paano ko kakausapin ng di maiinis ang taong kakausapin ko.
 

Dito ko nalaman na kailangan pala ay kumatok ka muna sa pintuan kapag nakasara ito at kung bukas naman ay mag-magandang araw ka muna bago ka lumapit sa taong kakausapin mo.
 

Kasi, kapag bastos ka, malamang na mabastos ka rin ng taong aalukan mo ng iyong ilalapit sa kanya. masasayang tuloy ang laway mo.

No comments: